Jones, Isabela, Payapa sa nalalapit na halalan!

Jones, Isabela – Kinumpirma ni Police Chief Inspector Rex Pascua, Chief of Police ng PNP Jones, na sa kasalukuyan ay payapa at tahimik naman ang nasabing bayan na kanyang nasasakupan.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay PCI Pascua, negatibo umano ang imahe ng Jones matapos itong mapasama sa listahan ng mga Election Hotspots.

Aniya, ngayon lalo nilang pag iibayuhin ang pagbabantay sa nasasakupan sa pamamagitan ng pagtalaga ng mga checkpoints, pakikipag-ugnayan sa mga tumatakbong kandidato at mga kampanya laban sa mga nagmamay-ari ng mga lisensyadong baril.


Ayon pa kay PCI Pascua, maaaring nagdulot ng takot at pangamba sa mga investors at mga turista ang nabalitaan hinggil sa naturang bayan.

Samantala, nakiusap rin si PCI Pascua na iwasang gawing basehan ang mga nakaraang pangyayari at baguhin ang pagkakakilala sa bayan ng Jones, lalo pa’t sinisikap ng kapulisan na mapanatiling tahimik at maipakita ang malaking pagbabago sa bayan.

Facebook Comments