Isang SUV na may protocol plate na “8”, tinutugis na ng SAICT matapos dumaan sa EDSA busway

Tinutunton na ngayon ng Department of Transportation – Special Action Intelligence Committee (DOTr-SAIC) ang isang SUV na may protocol number “8” na dumaan sa EDSA busway.

Binabagtas ng naturang SUV ang kahabaan ng EDSA busway sa Tramo sa Pasay Northbound lane ng pumasok ito sa bahagi ng EDSA busway.

Sa nakuhang video kita ang SUV na nasa loob pa ng bus lane at may sinusundan pang isang bus habang paakyat ng Magallanes fly-over.


Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Manila kay Kim Asis, Special Action Intelligence Committee (SAICT ) enforcement operation, sinubukan umano nilang habulin ang SUV ngunit mabilis ang patakbo nito kaya hindi nila ito naabutan.

Aniya, wala umano silang pinipili o sasantuhin sa paghuli lalo pa’t hindi ito puwedeng dumaan sa naturang bahagi ng kalsada dahil nakatakda lamang ito para EDSA bus carousel.

Kung maaalala, tanging mga emergency vehicles at convoy na sasakyan ng Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker at Chief Justice ng Korte Suprema ang pinapayagang dumaan sa EDSA Bus Lane.

Facebook Comments