Manila, Philippines – Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa North Caloocan.
Kinilala ang biktima na si Virgilio Alapag 40 anyos residente sa Brgy. 176 Bagong Silang Caloocan City.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya kagabing pasado alas nueve ay nakatambay lamang sa may Phase 9 Package 4 Brgy. 176 Bagong Silang Caloocan City ang biktima ng dumating ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo. Bumunot ng baril ang angkas at walang kabog-abog na pinagbabaril ang biktima na dahilan sa agarang ikinamatay nito.
Napag-alaman pa na dati ng nasangkot sa ilegal na droga ang suspek at inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan dito ang nangyaring pagpaslang sa biktima.
Inaalam din ng pulisya kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen.
Facebook Comments