UPDATE: TRAHEDYA SA MADALING ARAW │ Water tank sa isang barangay sa Bulacan sumabog; 3 patay

Bulacan – Umabot na sa tatlo ang patay at 33 ang sugatan makaraang sumabog ang water tank sa bahagi ng Barangay Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.
Ayon kay San Jose Del Monte Police Chief, Supt. Fitz Macariola, inaalam pa din nila kung ano ang naging dahilan kung bakit nawasak ang tangke maging ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at nasugatan.

Alas-3:30 kaninang madaling araw nang mawasak ang water tank na tinatayang aabot sa 2,000 cubic meters ang capacity kung saan rumagasa ang tubig sa mga bahay at establisyimento sa palibot nito.
Inaalam pa din ng San Jose Del Monte Disaster Risk Reduction and Management Office ang dahilan kung bakit bumigay ang nasabing tangke lalo na’t limang taon pa lamang ito naitatayo.

Facebook Comments