Isang kakaibang bulaklak na matatagpuan sa Europe, United States at North Africa ay may kakaibang itsura sa oras na ito ay malanta.
Ang snap dragon o dragon flower na may sinasabing pagkakahawig sa bunganga ng dragon na kung saan maari itong may open and close kung pipigain mo ito ng dahan-dahan.
Pero kung gaano kaganda ang bulaklak nito, isang nakakatakot na itsura naman ang makikita mo kapag ito’y nalanta.
Nabatid kasi na matapos malagas ang mga petals nito, may naiiwan itong mga seed pods na itsurang bungo.
Napag-alaman pa na noong panahon ng Victorian era, ang snapdragon flower ay simbolo ng deception, suspicion, at mystery kung saan base naman sa mga kwentong bayan.
Maaari ka din daw maging bata at maganda muli kung kakainin mo ang nalanta nang bulaklak na mukhang bungo.
DZXL558