ISASANTABI | Usapin sa WPS hindi uungkatin sa East Asian Seas Congress 2018 – DENR

Walang balak ang gobyerno na buksan ang usapin ng West Philippine Sea sa nagpapatuloy na East Asian Seas (EAS) Congress 2018 na gaganapin sa Iloilo City.

Ayon kay Assistant Secretary Jonas Leones ng DENR, nagkasundo ang mga kalahok na bansa na pag-uusapan muna ang isyu ng trans boundary illegal fishing issue at isasantabi ang usapin ng kung sino ang may pagmamay-ari sa pinag-aagawang kumpol ng mga isla.

Mahalaga sa ngayon aniya ay makabuo ng kooperasyon ang mga member states para sa isang sustainable action plan ng pangangalaga sa kani-kanilang mga coastal marine resources.


Idinagdag ni Leones na ipauubaya na lamang ng DENR sa mga matataas na pinuno ng administrasyong Duterte ang paghawak sa pandiplomatikong aspeto ng ng West Philippine Sea.

Facebook Comments