Ibabalik na ng United States Defense Department sa Pilipinas ang Balangiga bells.
Ito ang kinumpirma ng U.S. Embassy sa Manila matapos higit isang siglo na nasa pangangalaga ng Amerika ang dambana.
Ayon kay Trude Raizen, Deputy Press Attache ng embahada – inabisuhan na ni Defense Secretary James Mattis ang U.S. Congress tungkol sa intensyong ibalik ang dambana na kinuha ng mga Amerikanong sundalo mula sa simbahan ng Balangiga, Easter Samar noong 1901.
Wala pang eksaktong petsa kung kailang maibabalik ang Balangiga bells.
Sabi pa ni Raizen, batid nila ang kahalagahan ng Balangiga bells sa Pilipinas, maging sa Estados Unidos.
Nabatid na ang pagsauli ng Balangiga bells ang isa sa palagiang ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa U.S. Government.