PAYAG | Justin Brownlee, nais maging naturalized player ng Gilas Pilipinas

366

Manila, Philippines – Gusto ni Barangay Ginebra import Justin Brownlee na maging naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Kwento ni Alfrancis Chua, kinatawan ng Gin Kings sa PBA Board of Governors, sinabi ni Brownlee sa kanila kaharap ang buong team na gusto niyang maging ma-naturalized.

Payag naman ang San Miguel Corporation na ibigay si Brownlee sa Gilas Pilipinas pagkatapos ng kanyang paglalaro para sa Ginebra.

Sa ngayon, gusto ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng malaking naturalized player para isabak sa mga torneo ng FIBA.

Facebook Comments