ISELCO 2, Walang Itinakdang Brown out Ngayong Araw sa DRRM Day!

Cauayan City, Isabela – Walang itinakdang malawakang brown out ngayong araw ang ISELCO 2 kaugnay sa Disaster Risk Reduction Management Day.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Henry Pabon, ang Safety Officer ng ISELCO 2 na patuloy ang suplay ng koryente sa kabila ng mga gagawing paglilinis bilang pakikiisa rin sa DRRM Day.

Aniya nagpalabas na umano ang pamunuan ng ISELCO 2 ng isang memorandum para sa lahat ng maintenance at clearing team o buong lakas ng nasabing ahensya na pangunahan ang paglilinis hanggang sa mga liblib na lugar kasama ang mga opisyal ng barangay.


Tiniyak pa ni ginoong Pabon na unang titingnan ng mga tauhan ng ISELCO 2 ang kaligtasan ng mga maglilinis sa linya ng koryente.

Magugunita na nagpalabas ng isang kautusan si Isabela Governor Faustino “bojie” Dy III na non-working holiday ang araw na ito upang makiisa sa aktibidad ang lahat ng ahensya para sa Disaster Risk Reduction Management Day.

Facebook Comments