Cauayan City, Isabela- May rollback sa singil sa kuryente ang Isabela II Electric Cooperative (ISELCO) sa buwan ng Hunyo ngayong taon.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Dave Solomon Siquian, General Manager ng ISELCO 2 at presidente ng Philippine Federation of Electric Cooperatives (*PHILFECO*), nasa mahigit dalawang piso (Php2.00) ang ibinawas noong buwan ng Hunyo at pumapatak na lamang ng mahigit 8 piso ang rate sa kuryente.
Layon na rin aniya nito na makipagtulungan ang mga power provider ngayong may krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
*Kaugnay nito, binalaan ni GM Siquian ang sinumang magtatangka na magnakaw ng kuryente at hindi aniya maaaring gawing dahilan ang pandemya. *
*Mayroon na aniyang mga itinalaga na magmonitor sa mga konsyumer at ang sinumang mahuhuli na nagnanakaw ng kuryente ay mananagot sa batas. *
*Samantala, ibinahagi ni GM Siquian na wala nang gaanong reklamo sa singil ng kuryente ang kanilang natatanggap maliban lamang noong buwan ng Marso na simula ng pagpapatupad sa lockdown.*
*Iginiit ni GM Siquian na hindi aniya nila inimbento ang lumabas na bayad sa electrill bill.*
*Magugunitang inulan din ng reklamo mula sa mga consumers ang tanggapan ng ISELCO II dahil sa umanoy nadoble ang kanilang binayaran mula sa kanilang dating binabayaran sa kuryente.*
*Paliwanag ni Siquian, tumaas aniya ang kanilang electric bill dahil na rin sa epekto ng lockdown na kung saan karamihan aniya sa miyembro ng pamilya ay nasa loob lamang ng tahanan at tumaas ang demand sa paggamit ng kuryente.*
*Tags: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, gm dave siquian, iselco ii*