
Pinapalakas ng isinagawang Maritime Cooperative Activity ang pagkakaisa ng mga bansa laban sa walang batayang territorial claims ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ang aktibidad ay kinabibilangan ng Pilipinas, US, Australia at Japan.
Ayon kay Senator Risa Hontiveros, patunay na hindi nagiisa ang Pilipinas sa pagtiyak na ang mga isinasagawang joint maritime activities sa Indo-Pacific ay mananatiling bukas, malaya at ligtas.
Sinabi ni Hontiveros na ang ganitong demonstrasyon ng solidarity o pagkakaisa ay nagpapalakas sa international consensus na walang basehan at maituturing na direktang paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang pag-angkin ng pamahalaan ng China sa West Philippine Sea.
Naniniwala rin ang mambabatas na pinalakas din ng Maritime Cooperative Activity ang Philippine Maritime Zones Act ang batas na ipinasa alinsunod sa international law partikular sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral ruling.