Nagsimula na ang 90 days na campaign period para sa pagka senador at partylist kahapon.
Sa Pangasinan, mas pinaigting ng pulisya ang kanilang pagpapatupad ng election ban bilang pagtalima na rin sa pag-umpisa ng election period noong 12 ng Enero.
Kapansin pansin rin ang pagkakabit ng mga poster ng mga national candidates sa mga kakalsadahan na siyang daan ng ilan upang mas makilala.
Paalala ng COMELEC Pangasinan, magkabit ng poster sa tamang lugar gayundin ang mahigpit na pagbabawal sa vote buying at selling.
Sa darating na, March 28 pa mag-uumpisa naman ang kampanya sa local elections o ang mga posisyon mula pagka gobernador hanggang konsehal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments