
Binigyang-diin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahalagahan ng pagsunod sa Konstitusyon kung saan walang sinumang lider ng bansa ang mas mataas dito at sa mga umiiral na batas.
Ayon kay Romualdez, ang Konstitusyon ang kaluluwa ng isang bansa at hindi lang isang dokumento.
Mensahe ito ni Romualdez sa pagtitipon ng mga miyembro ng Philippine Constitution Association (PHILCONSA) bilang paggunita sa Constitution Day.
Bunsod nito ay hinikayat ni Romualdez ang lahat na ipagtanggol ang Konstitusyon, ilahad ang itinatakda nito ng may integridad at ipatupad ito ng walang kinikilingan.
Facebook Comments