Manila, Philippines – Tumagal lamang ng hanggang sampung minuto ang pagboto ng bawat botanteng lumahok sa ginanap na mock elections ng COMELEC bilang dry run para sa halalan sa Mayo a-trese.
Sabay-sabay na isinagawa ang mock elections kahapon sa animnapung polling places sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Dito sa National Capital Region, kabilang sa nagsagawa ng mock elections ay ang Quezon City at Maynila.
Ilan sa mga botante ay nagsabing madali ang naging proseso ng kanilang pagboto at madaling nabasa ng scanners ang kanilang biometrics sa loob lamang ng sampung segundo.
Sa pamamagitan ng voter registration verification system tulad na regular na halalan, mayroon ding presensya ng board of election inspectors at election watchers sa mga presinto kung saan ginagawa ang mock elections.