Manila, Philippines – Naging matagumpay ang isinagawang earthquake at fire
drill ng mga lokal na pamahalaan sa bansa.
Ayon kay Office of Civil Defense General Romulo Cabantac Jr. – layon nito
na maging handa ang publiko sa anumang uri ng kalamidad at sakuna.
Sinabi naman ni Bureau of Fire and Protection (BFP) Regional Director, Fire
Supt. Wilberto Kwan Tiu – sang-ayon siya na dalasan ang mga ganitong drill
para masanay sa gagawing aksyon kapag tumama na ang isang kalamidad tulad
ng malakas na lindol o kaya naman ay sunog.
Pinangunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council
(NDRRMC) ang drill sa central command camp sa Lapu-Lapu, Cebu City.
Nagsagawa rin ang earthquake drill sa mga lalawigan ng Ilocos Norte,
Bataan, Laguna, Camarines Sur, Iloilo, Zamboanga City, General Santos City,
Maguindanao, Surigao Del Sur at Negros Island Region.