ISINIWALAT | Pangulong Duterte, ibinunyag ang mga nakarelasyon ng isang pinaslang na pari

Cebu – Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maraming mga naging karelasyon ang isang pinaslang na pari na posibleng dahilan ng kaniyang kamatayan.

Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tabogon, Cebu, ipinakita ng Pangulo ang isang matrix na nagpapakita ng walong babae na naging karelasyon ng isang pari.

Bagaman walang pangalan na binanggit, makikita sa hawak na matrix ng Pangulo ang pangalan na Father Mark Anthony.


Ayon sa Pangulo, kabilang sa mga sinasabing nakarelasyon nito ang asawa ng vice mayor, pulis, sundalo, at isang negosyante.

Kaya wala aniyang kinalaman ang New People’s Army (NPA) maging ang pamahalaan sa pamamaslang kay Father Mark Anthony.

Magugunitang pinagbabaril ng riding in tandem si Father Mark Anthony Ventura matapos ang misa noong Abril sa Gattaran, Cagayan.

Facebook Comments