ISINUSULONG | Panukala na tutugon sa food security sa bansa, inihain sa Kamara

Manila, Philippines – Isinusulong ng MAKABAYAN Bloc sa Kamara ang panukalang batas na tutugon sa krisis sa pagkain sa bansa.

Ayon kay Anakpawis Party-list Representative Ariel Casilao, non-negotiable ang food security at mahalaga ang self-sufficiency tungo sa pag-unlad ng ekonomiya.

Sa ilalim ng House Bill 8512 o ang Rice Industry Development Act, lilikha ng tatlong taong implementation plan na popondohan ng P495 billion.


Binubuo ito ng Rice Production Socialized Credit Program na gagastusan ng P25 billion, Accelerated Irrigation Development Program na may P45 billion at P20 billion para sa rehabilitation and repair.

Kasama rin sa programa ang Post-Harvest Facilities Development, Farm Inputs Support, Research and Development at ang local procurement ng National Food Authority na bibigyan ng pinakamalaking alokasyon na 310 billion pesos.

Samantala, kabilang naman sa features ng panukalang batas ang pagdedeklara sa self-sufficiency bilang polisiya sa food security at hindi ang importasyon, pagprotekta sa rice lands mula sa conversion at paglikha ng Local at National Rice Supply Security Council na magmomonitor sa krisis at magpapahupa sa presyo.

Facebook Comments