Malaki ang posibilidad na sugatan o dili kayay nasawi na ang leader ng ISIS Inspired Group na break away ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na si Esmael Abdulmalik o mas kilala bilang si Kumander Torayfe.
Bagaman patuloy ang validation, nakakasigurong pahirapan na ngayon ang sitwasyon ng mga tinutugis ng grupo sa SPMS BOX sa Maguindanao ayon pa kay 6th ID CMO Chief Army Col. Gerry Besana sa naging panayam ng RMN Cotabato ngayong umaga.
IIlan na lamang din aniya ang natitira sa mga ito matapos masawi sa nagpapatuloy na engkwentro laban sa mga elemento ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front.
Matatandaang mag-iisang buwan ng sinusuyod ng MILF ang ISIS Inspired Group sa mga liblib na bahagi ng Datu Salibo, Shariff Saidona Mustapha at Datu Saudi Ampatuan.
Higit isang dosena naman ng BIAF MILF ang naging casualty liban pa sa higit sampung naging sugatan.
Nagmistulang ghost baranggay na rin ngayon ang ilang mga baranggay matapos lisanin ng daang mga sibilyan ang kani kanilang mga lugar dahil sa takot na maipit sa kaguluhan.
Samantala, 3 mga myembro ni Abu Torayfe ang nahuli kahapon. Maliban sa mga baril, nakuha rin sa kanilang pag iingat ang mga gamot at pagkain habang sakay ng bangka sa bahagi ng Datu Salibo.
Kaugnay nito mariin munang pinagbabawalan ng mga otoridad ang mga sibilyan na mamangka o gumamit ng bangka sa mga bahagi ng kailugan ng Datu Piang, Datu Salibo at Shariff Saidona Mustapha.
Nakaalerto rin ngayon ang buong pwersa ng 6th Infantry Division at PNP Maguindanao bilang suporta sa BIAF para tuluyang matapos na ang mga ginagawang pambubulabog ng mga armado sa kani kanilang AOR.(DENNIS ARCON)
PIC:6th ID Pic