Isko, idolo ng kabataan na nagsikap hanggang umangat

Idolo ng Youth Volunteers na sakay ng “Bus ni Isko” si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagsimula sa kahirapan at umangat sa sariling pagsisikap.

Ayon kay Carl Danielle Labro ng Isko na Tayo Kabataan and Alliance for Isko Movement, spokesperson ng “Bus ni Isko” campaign caravan na pormal na lumarga ngayong umaga, sa Felix Huertas sa Blumintritt, Maynila, Paranaque at Muntinlupa.

Llayunin ng kampanya na magsisimula sa Maynila na ibahagi ang buhay at kasaysayan ng sikat na showbiz personality bago ito maging alkalde.


“Bilang kabataan, hahanapin natin ang mga kabataan na hindi pa nako convert o nagsi Switch to Isko gamit ang pamamaraan na maiintindihan ng kabataan,” ayon pa kay Labro.  Simboliko diumano ang paglungsdad ng kampanya sa Maynila na pinagmulan ni Isko Moreno, isang basurero, pedicab driver na sa pagsisikap ay nakilala bilang artista, mayor ng Maynila at ngayon ay kandidato bilang pangulo ng bansa.

Ang mga volunteers na sakay ng “Bus ni Isko” ay mamimigay ng mga campaign paraphernalia, katulad ng posters, t-shirts, stickers ng mga kandidato ng Aksyon Demokratiko.

Maliban sa “Bus ni Isko” na umiikot sa Maynila, may 2 “Bus ni Isko” na bibiyahe patungo ng Luzon at ng Visayas at Mindanao sa mga susunod na araw.

Facebook Comments