Isla ng Homonhon sa Eastern Samar, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Isla ng Homonhon sa Eastern Samar kaninang 4:25 ng madaling araw.

Ito ay lalim na 61 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity IV sa bahagi ng Quinapondan, Eastern Samar at sa mga bayan ng Baybay, Abuyog at Dulag sa Leyte.


Naitala naman ang Intensity III sa mga bayan ng Alangalang at Albuera sa Leyte at Surigao City sa Surigao Del Norte.

Intensity II naman ang naramdaman sa bahagi ng Talibon, Bohol; mga bayan ng Calubian at Palo at sa Ormoc City sa Leyte; Marabut, Samar at Maasin, Southern Leyte.

Naitala ang Intensity I sa mga lungsod ng Argao at Bogo sa Cebu; sa Isabel, Leyte at sa mga bayan ng Rosario at San Roque sa Northern Samar.

Ayon sa Phivolcs, walang aasahang pinsala kaugnay sa lindol pero asahan na aniya ang aftershocks.

Facebook Comments