Pito, patay habang tatlo sugatan matapos pagbabarilin ng isang gunman sa Israel

Patay ang pitong katao habang sugatan ang tatlong iba pa matapos pagbabarilin ng isang Palestinian gunman sa isang templo sa Jerusalem, Israel.

Ayon sa mga pulis, nangyari ang insidente dakong 8:15 ng gabi kung saan pinagbabaril ang ilang tao sa templo bago ito napatay ng mga otoridad.

Maituturing ito ng mga otoridad na “terrorist incident” kasunod na rin serye ng karahasan sa West Bank kung saan noong Huwebes ay siyam na Palestino ang nasawi.


Hindi pa tukoy ng mga pulis ang motibo sa krimen.

Sa kabila nito, tuloy pa rin aniya ang pagbisita ni US Secretary of State Antony Blinken sa Israel at the West Bank sa Lunes, January 30.

Facebook Comments