Mag-asawang nagtatalo, sugatan matapos saksakin ng kapitbahay na nakialam sa Pasay City

Pasay City – Nang dahil sa sobrang ingay, sugatan ang isang nagtatalong mag-asawa makaraang saksakin ng kanilang kapitbahay sa Barangay 190, Pasay City.

Nagtatalo sa labas ng kanilang bahay sina Arnel at Noemi Piasan, nang biglang makialam ang suspek na si Jomar Puray.

Nagalit ang mister sa ginawa ng suspek kaya’t itinulak niya ito at binantaan.


Dito na naglabas ng patalim ang suspek at sinaksak ng apat na beses ang mister.

Yumakap naman ang ginang para protektahan ang asawa kaya nasaksak din siya ng isang beses.

Dinala sa Pasay General Hospital ang mag-asawa at naaresto naman ang suspek habang tinatangka nitong tumakas.

Facebook Comments