Manila, Philippines – Sa kabila ng pag-amin ng Armed Forces of the Philippines na posibleng nakatakas na ang ilang miyembro ng Maute Group sa Marawi City ay binigyang diin ng pamahalaan na nasa lungsod pa ang lider ng teroristang grupo na si Isnilon Hapilon.
Si Hapilon ay hinirang na Emir ng ISIS sa Asya na pinuno din ng Teroristang Grupong Abu-sayyaf na nakipagsanib puwersa sa Maute Group.
Ayon kay Brigadier General Gilbert Gapay, tagapagsalita ng Martial Law for Eastern Mindanao Command, lumalabas sa mga report na kanilang natatanggap na wala namang nakikitang indikasyon na nakatakas na si Hapilon sa Marawi.
Matatandaan naman na ang nahuling si Cayamora Maute ay nakatakas sa Marawi City sa kalagitnaan ng bakbakan bago ito mahuli sa Davao City.
Sinabi naman ni Bangsamoro Peace Panel Chairperson Irene Santiago na bagamat walang patunay ay posibleng nagamit ng grupo ni Cayamora ang binuong Peace Corridor ng Pamahalaan para makatakas sa Marawi.
DZXL558, Deo de Guzman
Isnilon Hapilon nasa Marawi City parin ayon sa AFP
Facebook Comments