Isolation Center para sa mga ‘PUI’ sa Coronavirus, Binuksan na sa Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Iniutos na ni Isabela Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III na i-activate na ang localized emergency response team at pagtatalaga ng isolation center sa Lalawigan.

Ito ay bilang paghahanda aniya sakaling magkaroon ng mas maraming kaso ng ‘patient under investigation’ o PUI kaugnay sa novel Coronavirus.

Itinalaga na bilang isolation center ang birthing place sa likod na bahagi ng Isabela provincial Capitol.


Tanging ang Southern Isabela Medical Center at Cagayan Valley Medical Center (CVMC) lamang kasi ang pinagdadalhan sa mga PUI at hindi umano ito magiging sapat kung dadami pa ang kaso ng PUI.

Nagbigay na rin ng kautusan ang bise Gobernador sa Isabela Health Office na ihanda ang lahat ng mga kainakailangang kagamitan, manpower at kaukulang pondo.

Nilinaw nito na ito’y bilang pre-emptive measure na rin upang hindi na magdeklara ng state of calamity ang Lalawigan at hindi na magamit ang pondo.

Facebook Comments