ISOLATION FACILITIES SA CAUAYAN CITY, NAKAHANDA PA RIN

Cauayan City, Isabela- Nakahanda pa rin ang mga isolation facilities sa Lungsod ng Cauayan kung sakaling kailanganin itong gamitin ng mga magpopositibo sa COVID-19.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Mayor Jaycee Dy Jr., nadagdagan pa aniya ang mga isolation facilities sa Lungsod na nasa pangangalaga ng Quick Response Team matapos na madagdagan ang pondo para sa procurement ng mga gamit ng CDRRMO bilang pagtugon sa pandemya.

Bukod dito, ay mayroon ding mga isolation Pods sa bawat Barangay Centers na maaari rin gamitin ng mga kinakailangang magquarantine.

Kaugnay nito ay umaasa naman ang alkalde na hindi na magagamit ang mga pasilidad bagkus ay matapos na itong pandemya.

Samantala, muling hinikayat ng Punong Lungsod ang mamamayan na magpa booster shot na para sa dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Batay sa pinakahuling tala ng Isabela Provincial Information Office, mayroon na lamang limang (5) kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments