Inihayag ni Committee on Dangerous drugs Chairman at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na isang magandang hakbang at halimbawa ang ginawa ng Cebu government sa ilalim ng pamumuno ni Governor Gwen Garcia.
Ang tinutukoy ni Barbers ay ang pagtatayo ng Cebu Local Government Unit (LGU) ng anti-illegal drug offices sa 22 major seaports sa lalawigan.
Diin ni Barbers, ang naturang istratehiya ay mainam na gayahin ng iba pang island provinces para mapigil ang pagpasok ng iligal na droga sa kanilang probinsya.
Tiwala si Barbers na epektibong hakbang na higpitan ang border control sa posibleng access points ng iligal na droga.
Paliwanag ni Barbers, ito ay dahil maraming pwedeng daanan o pasukan ng shabu at iba pang illegal drugs sa ating bansa dahil tayo’y isang archipelago.