CLOSE | Gasolinahan na may nangyaring gas leak, nanatiling sarado

12

Makati City – Mananatiling sarado ang Phoenix Petroleum sa bahagi ng Evangelista sa Barangay Bangkal, Makati matapos ang nangyaring gas leak.

Ayon kay Senior Superintendent Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, wala pang katiyakan kung kailan magbubukas ang nasabing gasolinahan.

Aniya, hihintayin muna nila ang resulta ng isinagawang third party tests para matukoy ang pinagmulan ng gas leak.

Una nang binuksan kahapon sa publiko at mga sasakyan ang bahagi ng Evangelista Street.

Facebook Comments