ISUSULONG | European Union, ipinapanukalang bawasan ang plastic waste

Isinusulong ng European Union ang panukalang ipagbawal na ng tuluyan ang paggamit ng plastik.

Nakapaloob sa panukala ang hindi paggamit ng straw, cotton buds, mga kutsara at tinidor na gawa sa plastik, balloon sticks at drink stirrers.

Kokolektahin na rin ang mga plastic bottles para ito ay ma-recycle pagdating ng 2025.


Kinakailangan pa ito na aprubahan ng 28 members states at ang European parliament bago ito ipasa.

Facebook Comments