PINAGKALOOBAN | Malian migrant na nakapagsagip sa isang apat na taong gulang na bata na muntikang mahulog sa isang gusali, ginawaran ng French citizenship

Pinagkalooban ng French citizenship ang isang Malian migrant matapos masagip ang isang apat na taong gulang na bata sa pagkakahulog mula sa ikaapat na palapag ng gusali.

Mismong Pangulo ng France na si Emmanuel Macron ang nagbigay ng paggawad kay Mamoudou Gassama.

Bukod sa French citizenship, inalok din si Gassama sa Paris Fire Brigade.


Ginawagan din si Gassama ng certificate at gold medal dahil sa ginawa nitong kabayanihan.

Nabatid na nag-trending ang kabayanihan ni Gassama sa pag-akyat nito sa gusali para mailigtas ang batang nakabitin.

Facebook Comments