SINIBAK | Government Corporate Counsel Rudolf Philip Jurado, tinanggal sa pwesto

Manila, Philippines – Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Government Corporate Counsel Rudolf Philip Jurado dahil sa umano ay sa pakikialam para mabigyan ng 75-year permit ang isang casino operator.

Una nang lumabas ang mga ulat na hindi nagustuhan ni Pangulong Duterte ang pakikialam ni Jurado sa pagbibigay ng permit para sa pagtatayo ng isang casino sa Aurora Pacific Economic Zone (APECO) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Kasabay nito ay binalaan din ng Pangulo ang iba pang opisyal ng kanyang administrasyon na huwag makialam sa trabaho ng ibang ahensya ng gobyerno.


Tinatanggap naman ni Jurado ang desisyon ng Pangulo na alisin siya sa pwesto.

Pero nanindigan ito na biktima siya ng intriga sa mismong loob ng ahensiya na kanyang pinamumunuan.

Facebook Comments