Dipolog – Malaki ang hangarin ngayon ng mga sakop ng Sangguniang Panlungsod ng Dipolog na masolusyunan ang problema sa mga subscriber ng mga internet provider sa siyudad.
Pinangunahan ni Dipolog City Councilor Atty. Roger V. Asprer, Chairman ng Committee on Energy, Transportation ang Communication ang pagpasa ng isang resolusyon na mag-iimbita sa mga personalidad mula sa PLDT, Department of Science and Technology (DOST) at Department of Transportation and Communications (DOTC) para dumalo sa isang Joint Committee Hearing.
Ayon kay Asprer, layunin nito na mahanapan ng solusyon ang problema hinggil sa slow internet connection at poor signal power.
Sa ginawang joint committee hearing, inihayag ni DOST 9 reprentative Marc G. Cachin na ang speed ng internet connection sa syudad pati na sa ibang lugar ay nakadepende sa mga internet service provider at iminungkahi nito na kailangang magdagdag pa ang SMART/PLDT ng mga fiber-optics sa siyudad.
Ayon naman kay DOTC representative Samuel Montallana, sinabi nito na sa ngayon mataas na ang demand ng internet pero maliit lamang ang serbisyo kaya kailangan aniyang magdagdag ng mga cell sites.
Nangako naman si SMART/PLDT representative Nick Gemina na handa ang PLDT na tumulong para masolusyunan ang nasabing isyu.