Isyu ng Dengvaxia, huwag ilito sa ibang bakuna – ayon sa DOH

Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag ilito ang isyu ng Dengvaxia sa ibang bakuna.

Sa harap ito ng measles outbreak sa Metro Manila at iba pang rehiyon sa Luzon at Visayas.

Giit ni Health Sec. Francisco Duque III – sa mahabang panahon ay subok na ng ahensya ang mga bakuna kaya walang dapat ipag-alala ang publiko.


Kasabay nito, binigyang-diin din ng kalihim ang kalahalagahan ng bakuna sa pagsasalba ng buhay ng tao.

Matatandaang isinisi ng DOH kay Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta ang pagdami ng kaso ng tigdas sa bansa dahil sa Dengvaxia scare.

Pero depensa ni Acosta – huwag isisi sa PAO ang kapabayaan ng DOH sa pagsasagawa ng mga information drive ukol sa iba pang uri ng bakuna.

Facebook Comments