Spurs, tinambakan ng Warriors

California – Sanib-pwersa sina Kevin Durant at Klay Thompson para ibaon ng Golden State Warriors ang San Antonio Spurs, 141-102.

Kumamada ng 26 points si Thompson habang 23 points naman kay Durant.

Umasiste rin sa Warriors si Stephen Curry na umiskor ng 19 points.


Nanguna naman sa bigong Spurs si Patty Mills na kumubra ng 16 points.

Dahil dito, may kartada nang 38-15 win/loss ang Warriors habang 32-24 naman ang sa Spurs.

Facebook Comments