Sen De Lima, humirit sa Korte Suprema para magtalaga ng bagong hukom na hahawak sa kanyang kaso sa Muntinlupa

547

Muling lumiham sa Korte Suprema ang nakakulong na si Senator Leila De Lima para ihirit sa Supreme Court (SC) na magtalaga ng bagong hukom na hahawak sa kanyang nakabinbing kaso sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Ang dalawang pahinang liham ng Senadora kay Supreme Court Administrator Atty. Jose Midas Marquez ay alinsunod sa Circular ng Office of the Court Administrator na may petsang November 11, 2919, matapos ma-relieved sa pwesto si Judge Gener Gito bilang acting presiding Judge ng Muntinlupa RTC branch 256 at pansamantalang pinalitan niJudge Antonietta Medina ng Muntinlupa RTC Muntinlupa Br. 276 bilang Pairing Judge.


Pero dahil si Judge Medina ay dalawang beses nang nag-inhibit sa isa sa kanyang kaso, sinasabing hindi narin ito magsasagawa ng anomang hearing sa kinakaharap niyang criminal case.

Dahil dito, nais ni De Lima na magtalaga na lamang ng bagong huwes ang SC para mapabilis ang pagdinig sa kanyang kaso na may kinakaman sa illegal drug trade sa Bilibid.

Facebook Comments