Isyu ng term sharing sa Kamara, hindi na pakikialaman ni PRRD

Manila, Philippines – Tumanggi nang makisawsaw muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng term sharing ng speakership sa Kamara.

Sinabi ito ng Pangulo nang dumalo siya kagabi sa joint birthday celebration ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco at kanyang asawa sa isang restaurant sa San Juan City.

Matatandaang si Pangulong Duterte ang namagitan sa mga kongresista matapos maging isyu kung sino ang uupong House Speaker pagpasok ng 18th Congress.


Nirekomenda ng Pangulo na maunang maging speaker si Taguig Representative Alan Peter Cayetano sa unang 15 buwan, at susundan siya ni Velasco na may mas mahabang termino na 21 na buwan.

Nasunod ang pagluklok kay Cayetano, pero lumilitaw ngayon sa Kamara mula sa mga tagasuporta ni Cayetano na baka dapat magtuloy-tuloy na lang siya na House Speaker dahil sa mataas nitong approval at trust ratings.

Sabi naman ni Pangulo, nasa mga kongresista na kung sino ang gusto nilang mamuno.

Facebook Comments