Isyu sa internet connectivity, ilan sa mga isyung binuksan ni Pangulong Bongbong Marcos sa ikatlong cabinet meeting

Nabanggit rin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang internet connectivity sa ikatlong cabinet meeting nito kahapon.

Ito ay sa harap ng kagustuhan ng pangulo na gawin ng digitalize ang mga transaksiyon sa bansa na una ng sinabi ni Department of Information and Communications (DICT) Secretary Ivan John Uy aniya marching order ito sa kanya ng punong ehekutibo.

Sa pamamagitan umano ng digitalized transaction ay hindi lang mapapabilis ang transaksiyon sa gobyerno sa halip magbibigay pa ng mas mataas na revenue at iwas sa red tape.


Maliban sa internet connectivity, nabanggit din ng pangulo sa pulong kahapon ang tumataas na bilang na kaso ng COVID-19 dulot ng pagsulpot ng mga bagong variant ng coronavirus.

Kasama din sa naging utos ng pangulo sa cabinet meeting sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang pagsasaayos ng mga school buildings na winasak ng Bagyong Odette noon pang nakaraang taon.

Facebook Comments