
Kinikilala ng Malacañang ang reklamo ng ilang tourism stakeholders kaugnay ng hirap sa pagkuha ng Japan visa.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, may travel agency owners na nagsabing matagal ang hintayan ng appointment na umaabot pa umano hanggang Abril, at kinakailangan pang bumiyahe sa Cebu o Davao para lamang makapagproseso ng visa.
Sinabi ni Castro na agad itong ipinaabot sa Department of Tourism (DOT).
Gayunman, paliwanag ng DOT, ang usapin ay saklaw ng outbound travel at wala sa direktang kapangyarihan ng ahensya.
Dahil dito, iniakyat na rin ng Palasyo ang isyu sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mas malalim na pagtalakay.
Nilinaw naman ni Castro na ang pagbibigay ng visa ay desisyon ng bansang pupuntahan at iginagalang ito ng pamahalaan ng Pilipinas.
Sa ngayon, hinihikayat ng Malacañang ang mga Pilipino at tourism stakeholders na unahin muna ang pagbiyahe sa loob ng bansa.
Ayon pa kay Castro, malaking tulong ang local tourism hindi lang sa mga travel agency kundi pati sa ekonomiya, mula sa travel tax hanggang sa kita ng mga negosyong may kaugnayan sa turismo










