Nanawagan ang National Movement for Free Elections (NAMFREL) sa Commission on Elections (COMELEC) na kumuha ng mga IT experts sa imbestigasyon ng napaulat na hacking sa data system nito.
Ayon sa NAMFREL, dapat ay mariing imbestigahan at maresolba kaagad ng COMELEC ang naturang isyu.
Bukod dito ay iminungkahi rin ng poll watchdog sa COMELEC na bumuo ng Incident Response Team (IRT) na magsasagawa ng proactive incident response plan at vulnerability assessment sa mga technology infrastructure, at information security practices.
Ito rin dapat ang tutugon kung may mga banta sa information security at kahalintulad na pangyayari.
Matatandaang nauna nang nakikipag- ugnayan ang COMELEC sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa insidente ng hacking sa server ng ahensya.