Itatagal ng trial ng bakuna kontra ASF, 3 hanggang 4 na buwan lamang ayon sa Bureau of Animal Industry

Posibleng makumpleto sa loob lamang ng 90 hanggang 120 araw o 3 hanggang 4 na buwan ang trial sa isang bakuna kontra African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry (DA-BAI) Director Reildrin Morales, sa nasabing trial makikita kung epektibo ang bakuna na iba sa trial na ginagawa sa mga bakuna kontra COVID-19.

Pinili naman ang sampung farm sa Luzon base sa kanilang kagustuhan na sumali sa trial, kanilang biosecurity at ang pagiging apektado nila sa virus.


Facebook Comments