ITCZ, patuloy pa ring umiiral sa bansa; Mindanao, uulanin ngayong araw

Manila, Philippines – Ngayong araw, uulanin ang rehiyong ng Mindanao bunsod ng umiiral na Inter-Tropical Convergence Zone habang ridge of high pressure area naman sa hilaga at gitnang Luzon.

Makararanas din ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan ang eastern at Central Visayas, Negros Island at Palawan.

Ang nalalabing bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila ay patuloy na makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon, maliban ang isolated rains pagsapit ng hapon o gabi.


Agwat ng temperatura sa Metro Manila – mula 25 hanggang 35 degree celsius.

Sunrise: 5:29
Sunset: 6:16

DZXL558

Facebook Comments