ITINAKDANG BAGONG FARE MATRIX NG LTFRB SA MGA PUV, MAG-UUMPISA NA NGAYONG ARAW

Mag-uumpisa na ngayong araw ng a-tres ng Oktubre ang muling pagtataas ng pamasahe sa mga Public Utility Vehicle na itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Ang pagbabago ng pamasahe ay base sa panawagan at hinaing ng mga operators’ ng pampublikong sasakyan kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Ayon sa LTFRB, ang pamasahe ng PUVs ay magiging ₱12 na sa kada unang apat na kilometro kung saan sa dagupan city dati ay nasa p11 lamang.

Sa mga modern PUJs naman, magiging ₱14 ang minimum fare at kung dati ay nasa p13 lamang sa Dagupan City.
Samantala, sa mga provincial buses ay magchacharge ng ₱11 at ang mga taxis ay mayroong +5 flag-down rate.
Sa naging adjustment sa pamasahe, ikinasaya ng ilang mga operators at mga drivers ang pagtaas ng pamasahe dahil sa taas na rin ng gasoline at ilang bilihin sa merkado.
Matatandaan na ianunsyo ng ahensya ang pagtaas ng singil sa mga pampublikong
sasakyan noong biyernes, ika-16 ng Setyembre 2022. |ifmnews
Facebook Comments