KAKAYAHAN NG KABABAIHAN SA PAMUMUNO, BINIGYANG-DIIN SA PAGBUBUKAS NG NATIONAL WOMEN’S MONTH 2026 SA INFANTA

Binigyang-diin ang kakayahan ng kababaihan sa pamumuno at paghubog ng komunidad sa ginanap na Kick-Off Ceremony ng National Women’s Month 2026 sa bayan ng Infanta.

Sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng suporta ng lokal na pamahalaan.

Binigyang-diin sa programa ang tema ngayong taon na “Lead like the Babaylans, Filipinas!”, na sumasalamin sa lakas ng kababaihan bilang mga lider na may mahalagang ambag sa paghubog ng matatag na pamilya at progresibong komunidad.

Isa sa mga tampok na bahagi ng seremonya ang sama-samang pagbigkas ng Pledge of Commitment bilang pagpapakita ng patuloy na pagsuporta sa karapatan, dignidad, at empowerment ng kababaihan.

Sinundan ito ng pormal na paglagda sa nasabing pangako kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, department heads, at iba pang kalahok.

Hinikayat din ang publiko na makiisa sa Purple Wednesdays sa buong buwan ng Marso bilang simbolo ng tapang, pagkakapantay-pantay, dignidad, at pagkakaisa para sa kababaihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments