NBA | Warriors, tinambakan ang Wizards; LeBron, Lakers, nanalo rin sa wakas!

Isang na namang pambihirang shooting display ang ipinamalas ni Stephen Curry para pangunahan ang defending champion Golden State Warriors sa paglampaso sa Washington Wizards, 123-103 sa NBA.

Umiskor ng 51 points si Curry na hindi mapigilan sa pagshoot ng mga 40 footer na tira. Sa unang quarter pa lang may 23 points na ang two-time league MVP.

Sa ibang laro, nanalo na rin sa wakas sina LeBron James at ang Los Angeles matapos mangibabaw ang Lakers kontra Phoenix Suns, 131-113.


Wagi rin ang Utah Jazz sa Houston Rockets, 100-89 at tinambakan naman ng Indiana Pacers ang San Antonio Spurs, 116-96.

Facebook Comments