ITINALAGA | Dating Customs Chief Faeldon, opisyal nang bagong deputy administrator ng OCD

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Customs commissioner Nicanor Faeldon bilang bagong deputy administrator ng Office of Civil Defense (OCD).

Matatandaang nagbitiw si Faeldon nitong Agosto dahil sa 6.4 billion pesos shabu shipment na lumusot sa Bureau of Customs (BOC).

Epektibo ang appointment kay Faeldon simula noong December 22 kung saan pinalitan niya sina dating OCD deputy administrator Rodolfo Demosthenes Santillan.


Sa kabila nito, mananatiling nakaditine sa senado si Faeldon matapos siyang ma-contempt dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig.

Facebook Comments