ITINALAGA | Deputy Administrator Tomas Escarez, itinalaga bilang OIC sa NFA

Manila, Philippines – Itinalaga na ng National Food Authority (NFA) Council si Deputy Administrator Tomas Escarez bilang Officer-in-Charge ng NFA.

Pansamantalang papalitan ni Escarez si Administrator Jason Aquino na nakabakasyon kasunod ng inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na naghahanap na siya ng kapalit nito.

Mismong si Aquino na ang nagpahiwatig na pagod na siya sa gitna ng akusasyon na wala siyang ginagawa para may mabiling murang bigas ang publiko.


38 na taon sa NFA si Escarez na nagsimula noong 1978 bilang weighed and checker sa NFA Oriental Mindoro.

Kabilang sa hinawakan niyang posisyon ay provincial public relations officer, senior grains operations officer, provincial manager, assistant regional manager, regional manager, department manager at NFA Central Office, assistant administrator at deputy administrator.

Facebook Comments