Manila, Philippines – Itinanggi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na gawa-gawa o ‘manufacture’ lang ang mga facts niya tungkol sa martial law era at sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Nabatid na inulan ng batikos si Enrile at tinawag pang sinungaling ng mga biktima ng batas militar matapos niyang sabihing walang namatay sa rehimen kahit may mga records na aabot sa 70,000 ang inaresto at pinahirapan habang nasa halos 3,000 ang namatay.
Ayon kay Enrile – hindi siya nagsinungaling at hindi rin niya minanipula ang mga pangyayari.
Tinawanan lang ni Enrile ang tally ng mga biktima na base sa mga record ng gobyerno at International Human Rights Organizations.
Hinamon ngayon ni Enrile ang sinuman na makipagdebate sa kanya hinggil dito.