ITINANGGI | Namumuong pag-aaklas mula sa hanay ng PNP laban sa Duterte Administration, pinabulaanan ni PNP Chief Oscar Albayalde

75

Manila, Philippines – Walang namomonitor na anumang pagaaklas mula sa hanay ng Pambansang pulisya laban sa Duterte Administration.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Oscar Albayalde.

Aniya malabo na may mga pulis ang makikiianib sa grupo ni Senator Antonio Trillanes IV para mapatalsik sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte

Nanatili aniyang sumusunod ang hanay ng pambansang pulisya sa kanilang sinumpaang sa bayan at sa konstitusyon.

Kaya hindi na aniya kailangan pang paalahahanan ang mga pulis na kanilang mandato ay nakatuon para sa konstitusyon at taong bayan.

Matatandaang sa panayam kahapon ni Presidential adviser salvador Panelo kay Pangulong Duterte sinabi nitong may ilang sundalo at pulis ang nagpagupit na tila senyales na may namumuong kudeta.

Facebook Comments