ITINANGGI | Pagkakaugnay sa walong babae ng napaslang na pari, pinabulaanan ng arsobispo

Hindi gaanong binigyang pansin ni archbishop sergio utleg ng Tuguegarao City ang pahayag na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging talumpati sa Cebu na umano ay na-ugnay sa walong babae ang paring napaslang na si Mark Ventura.

Batay sa ulat ni Archbishop Sergio Utleg, kasalukuyan pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Cagayan hinggil sa naturang pamamaslang kamakailan kay Father Mark Ventura at ayaw umano nilang magulo ang imbestigasyon ng PNP dahil lamang umano sa mga lumalabas na tsismis at malisyosong pasaring.

Aniya, maaring may kaaway ang naturang pari subalit hindi umano nila matukoy kung sino ang mga ito at kung ano ang kanilang motibo.


Ayon pa sa Arsobispo, tinitignan din naman ng PNP Cagayan ang lahat ng mga anggulo na pwedeng maging motibo sa pagpatay sa naturang pari kaya at malaki umano ang kanilang tiwala sa isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan na sana ay mahuli na ang mga suspek maging ang mastermind sa pagpatay kay Father Mark Ventura upang makamit nito ang kanyang hustisya.

Facebook Comments