ITINANGGI | PNP Chief, pinabulaanang demotion ang bagong posisyon ni Dating NCRPO Chief Camilo Cascolan

Manila, Philippines – Pinabulaanan ni PNP Chief Oscar Albayalde na dinemote niya si dating NCRPO Chief Police Director Camilo Cascolan.

Si Cascolan ang isa sa mga senior officers na napasama sa malawakang balasahan kung saan mula NCRPO inilipat siya sa civil security group o csg na siyang may hawak sa mga security agency partikular na sa mga security guard

Paliwanag ng PNP Chief , hindi ito demosyon malaking unit ang CSG at ang hepe nito ay 2-star general o may ranggong police director.


Sinabi pa nya na hindi lang siya ang nagdesisyon na ilipat ng pwesto si Cascolan aniya Collective decision raw ito ng PNP oversight committee.

Matatandaang , hindi pumabor si Albayalde sa isinusulong noon ni Cascolan na 8 oras lang na duty para sa mga pulis sa Metro Manila na isa sa tinitingnan dahilan ngayon nang kanyang pagkakasibak sa pwesto.

Facebook Comments