Itinayong Smart City Command Center ni Baguio City Mayor Magalong, pinuri ni Senator Panfilo Lacson

Suportado ng tambalang Senator Panfilo Lacson at running mate nito na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga programang ipinapatupad ng kaalyadong si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa kanyang lungsod.

Sa pakikipagkita ng senador kay Magalong nitong biyernes sa Baguio Convention Center, sinabi nito na konektado ng kanilang proyekto ang hangarin ni Magalong na magkaroon ng full digitalization sa mga transaksyon ng pamahalaan.

Ito ay para mapigilan ang katiwalian sa gobyerno, gayundin ang mga isyung may kinalaman sa cybersecurity.


Kamakailan, inilunsad ni Magalong ang isang Smart City Command Center sa Baguio hindi lamang sa peace and order situation gamit ang teknolohiya, ngunit para rin sa pagpapaunlad sa buong siyudad.

Pinuri nina Lacson at Sotto ang naging maayos na pamamalakad ni Magalong na isa ring retired general.

Para kay Lacson, ang ginagawa ng alkalde ay perpektong halimbawa ng isang magandang pamamahala.

Facebook Comments